Iniimbestigahan ng pulisya kung may foul play sa pagkamatay ni Ronald Nartates, 29, na unang naging suspek sa pananaga noong Agosto 2 sa bayan ng Bataraza. (Photo by Palawan Police Provincial Office)

Isang lalaki na suspek sa pananaga sa bayan ng Bataraza noong Agosto 2 ang natagpuan na nakabigti at patay malapit sa tulay ng Barangay Tubtub sa Brooke’s Point kahapon nang umaga, Linggo, Agosto 8.

Kinilala ito sa spot report ng Bataraza Municipal Police Station (MPS) bilang ang 29 taong gulang na si Ronald Nartates, residente ng Barangay Panacan 2 sa munisipyo ng Narra, ngunit nagtatrabaho sa Bataraza bago ito natagpuang patay.

Iniimbestigahan na ng awtoridad kung mayroong foul play sa pagkamatay nito dahil matapos diumanong makita ang kanyang motorsiklo, 10 metro ang layo mula sa lugar kung saan ito nakabigti.

Si Nartates ay una ng nasampahan ng kaso ng Bataraza MPS matapos na masangkot diumano sa pananaga sa Sitio RJL, Barangay Marangas, sa nasabing bayan noong Agosto 2, limang araw bago ito natagpuang patay.

- Advertisement -

Previous articlePalawan Pawnshop keen to donate vaccines to partner LGUs nationwide
Next articleFinancial Posture
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.