Gereny Abos Ria, 43 taong gulang na suspek sa pambubugbog at tangkang pananaga.

Arestado ng awtoridad ang 43 taong gulang na si Gereny Abos Ria na sangkot sa pambubugbog at tangkang pananaga noong Mayo 2012. Naaresto siya sa pinagtataguan sa Barangay Ambulong sa San Jose, Occidental Mindoro, 11:20 ng umaga ngayong araw, Hunyo 20.

Sa ulat ni P/Lt. Leo Bacunga, hepe ng Agutaya Municipal Police Station (MPS), nasangkot sa pambubugbog at tangkang pananaga si Ria noong Marso 30, 2012 sa Sityo Banted, Brgy. Algeciras sa nasabing bayan. Ang kanya umanong nabiktima kasama ang dalawa pang suspek na sina Eronic Tulaylay at Aiza Tulaylay ay si Ronaldo Rodrigues Austria.

Si Ria ay itinuturing na No. 5 most wanted ng Agutaya at kabilang sa apat na suspek. Ayon kay Bacunga, personal pa nilang tinungo ang Occidental Mindoro kung saan ito nagtatago para arestuhin.

“Matagal na kasi ang kaso na yan dahil siya na lang din ang hindi pa nahuhuli. Kinailangan pa naming makuha, para na din matapos na ng kaso at mabigyang katarungan na din ng nangyari sa biktima,” pahayag niya sa Palawan News.

Inaresto si Ria sa bisa ng warrant na inisyu ni Judge Angelo R. Arizala ng Branch 52 ng Regional Trial Court sa Palawan. Aabot sa P120,000 ang nakalaang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek. Nakatakda itong ibiyahe pabalik dito Palawan para harapin ang kanyang kaso.

Previous articleNew DepEd chief vows to be consultative and participatory
Next articleDILG to LGUs, public: Use PhilID card as sole ID for all transactions
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.