Ang .22 kalibreng home-made na baril na ginamit ng suspek na kinilalang "Delmar"

Hinahanap ngayon ng awtoridad ang isang lalaking aksidenteng nakabaril ng kapwa lalaki dahil sa diumano ay tsismis sa Purok Bagong Silang, Barangay Dumarao sa bayan ng Roxas noong Sabado ng gabi, Hunyo 19.

Ayon sa ulat ng Roxas Municipal Police Station (MPS), ang suspek na nakilala lamang sa alyas niya na “Delmar” ay nakatambay sa gate ng kanyang bahay hawak ang isang .22 kalibreng home-made na baril nang bigla na lamang nitong hinarang si Armelito Natural Urbano, 38 taong gulang, na naglalakad pauwi sa kanyang bahay.

Kinompronta ni Delmar si Urbano tungkol sa umano ay kinakalat nitong tsismis tungkol sa kanya at saka tinutukan ng baril. Nagpambuno ang dalawa matapos tangkain ni Urbano na agawin ang baril at dito na nga naiputok ito ni Delmar kung saan, tinamaan si Urbano sa taas na bahagi ng kanyang baywang.

Matapos ang pangyayari, agad na tumakas ang suspek sa hindi matukoy na direksyon, habang si Urbano naman ay dinala ang baril sa himpilan ng pulisya matapos na malapatan ng pangunang lunas.

- Advertisement -

Previous articleDILG to LGUs, public: Use PhilID card as sole ID for all transactions
Next articleTravel-starved? Head to Max & Bunny right away!
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.