Ang suspek na si Kenneth Angeles Lagan matapos maaaresto noong December 5, 2022.

Hawak na ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) ang suspek sa pamamaril at pagpatay sa negosyanteng si Paterno Yasa Betita Jr. sa Manalo Extension, Brgy. Milagrosa, Puerto Princesa City, noong hating gabi ng June 30, 2022.

Kinilala ang suspek na si Kenneth Angeles Lagan na naaresto sa kahabaan ng Oquendo Road, sa Barangay Milagrosa, bandang 7 p.m. noong December 5.

Si Lagan ang itinuturong suspek, base na rin sa impormasyong nakuha ng mga pulis mula sa isang witness na nasa lugar ng pangyayari noong gabi ng pamamaril sa biktima.

Sa pag aresto dito, nakuha sa kanya ang caliber .38 revolver na may anim na bala. Walong bala pa ang natagpuan sa pouch kung saan nakasilid ang baril nito.

Inaresto ang suspek ng mga operatiba ng Police Station 1 at Police Station 2 ng PPCPO sa kasong murder gamit ang loose at illegally possessed firearm sa ilalim ng Article 248 ng Revised Penal Code na may kaugnayan sa Section 29 ng RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Maliban dito, sasampahan pa siya ng isa pang kaso ng paglabag sa RA 10591 sa pamamagitan ng inquest proceedings dahil sa mga nakumpiskang baril at mga bala.

Una nang naaresto noong November 27 sa Brgy. Tagburos ang 29 taong gulang na construction worker at isa pang suspek sa pagpatay kay Betita na si Mark Joel Edica alyas Utak.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang asawa ng biktima.

About Post Author

Previous articleHomegrown bonsai artist encourages young Palaweños to venture into the craft
Next articleNickel Asia bats for biodiversity conservation
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.