Hawak na ng police station sa Coron ang apat na sakay ng tricycle na diumano ay nakagitgitan ng biktima ng pamamaril doon na si Amper Junfel Jamer, 38, noong madaling araw ng July 14 sa Upper Bancuang, Barangay Poblacion 5.

Ayon sa kay P/Cpt. Argie Eslava, hepe ng Coron Municipal Police Station (MPS), inaresto nila Huwebes ng gabi sa Brgy. Poblacion 1, sina Abdullah Tocalo Disomimba, 25; driver ng traysikel na si Alinor Bandrang Dimal, 26; Racman Disoma Roxas, 32; at ang bumaril sa biktima na si Abdullah Disomimba, mga residente ng Barangay 3, Coron.

Positibo silang itinuro ng driver ni Jamer na si Nolie Edoria Regondula at nakilala rin sa pamamagitan ng mga kuha ng CCTV sa lugar.

“Umamin din naman sila, at kung sino ang bumaril identified na din. Nakilala sila ng driver ng motor at witness na din natin, plus mula sa mga CCTV sa lugar,” pahayag ni Eslava.

Pahayag ni Eslava, napikon ang mga suspek dahil nahaharangan sila sa kalsada ng motor ng biktima.

Aniya, kakasuhan ng frustrated murder ang apat na suspen na nananatili ngayon sa kanilang kustodiya.

Previous articleDating rebeldeng NPA sa Bataraza, sumuko sa mga awtoridad
Next articleDSWD updating list of qualified 4Ps beneficiaries
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.