Inaresto ng mga operatiba ng Anti-Crime Task Force (ACTF) sa Barangay San Manuel ang isang 42 anyos na lalaki dahil sa pagbebenta nito ng shabu. (Photo courtesy of Richard Ligad, head Anti-Crime Task Force)

Inaresto ng mga operatiba ng Anti-Crime Task Force (ACTF) tanghali ng Biyernes sa Barangay San Manuel ang isang 42 anyos na lalaki dahil sa  pagbebenta nito ng shabu na paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Kinilala ng hepe ng ACTF na si Richard Ligad ang suspek na si Archimedes Cayaon Tividad, isang residente ng Solid Road sa Barangay San Manuel.

Nabili mula sa suspek sa isinagawang buy-bust operation ang isang plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu kapalit ng P1,500 na marked money.

Bukod sa nabili sa suspek, nakuha rin mula sa kanya ang siyam pang plastic sachets na sinasabing naglalaman pa rin ng pinaghihinalaang shabu.

Ayon kay Ligad ang pagkahuli kay Tividad ay dahil sa ginawang joint buy-bust operation ng City Drug Enforcement Unit (CDEU), Puerto Princesa City Police Office (PPCPO), City Mobile Force Company (CMFC),  Regional Drug Enforcement Unit (RDEU), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at ACTF.

“Sa ating mga nahuhuling nasasangkot sa iligal na droga, kung maari sabihin niyo kung sino ‘yong nagsu-supply sa inyo ng droga. Huwag niyong sosolohin ang sentensya. Nananawagan din kami sa mga taong gumagawa nito na hindi pa nahuhuli, itigil n’yo na ito sapagkat kami hindi titigil, makikipagtulungan tayo sa pulisya upang masawata ang ganitong klase ng gawain,” sabi ni Ligad.

Sa ngayon ang suspek at ang nakumpiska mula sa kanya ay nasa kustodiya  na ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO).

Previous articleDengue cases decrease in Puerto Princesa City
Next articleMonsoon rains to prevail as Hanna exits PAR
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.