SOFRONIO ESPAÑOLA, Palawan – Nadakip ng pinagsanib na puwersa ng Sofronio Española Municipal Police Station (MPS) at ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) sa isang buy-bust operation ang isang lalaking pinaghihinalaang nagbebenta ng iligal na droga sa bayang ito noong Biyernes (Pebrero 12) ng umaga.

Ang suspek ay kinilalang si Moldan Abbas, 56, residente ng bayang ito. Nakumpiska sa kanya ang dalawang sachet ng pinaghihinalaang shabu na humigit kumulang isang gramo at ang P1,000 marked money na ginamit sa buy bust.

Ayon kay P/SSg. Noel Fabrigas, imbestigador ng Española MPS, matagal na nilang mimamatyagan si Abbas. “May dating kaso na rin sya noon na drug related din at firearms at [ngayon ay] bumalik na naman sa pagtutulak ng droga,” ani Fabrigas.

Ang suspek ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag  sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

- Advertisement -

Previous articleEDITORIAL: PPC facing another COVID-19 hurdle
Next articleMovie theaters in Puerto Princesa remain closed despite New IATF guidelines
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.