Larawan mula sa Narra MPS

Isang lalaking pinaghihinalaang nagtutulak ng shabu ang nadakip ng awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Malatgao, sa bayan ng Narra, dakong 4:30 ng kahapon, Abril 5.

Ang suspek ay kinilalang si Jaime Vinoya Garillo, 30 taong gulang, at resident ng Brgy. Malinao sa nasabing bayan.

Sa report ng Narra Municipal Police Station (MPS), isang pulis na nagpanggap na poseur buyer ang nakabili ng isang sachet na pinaghihinalaang shabu sa suspek na nagkakahalaga ng P5,000.

Maliban sa nabiling pinaghihinalaang shabu, nakumpiska rin sa suspek ang isang pulang coin purse, P220 bill, ang buy-bust money, ilan pang sachet ng pinaghihinalaang shabu, at isang pirasong aluminum foil.

Ang suspek ay nasa kustodiya ngayon ng Narra MPS at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Article II, Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

About Post Author

Previous articleSouthern and central portions of Palawan affected by LPA
Next articleTaiwan int’l film fest features docu on Palaw’an’s sacred rituals and daily lives
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.