Isang 21-anyos na suspek sa pagtutulak ng marijuana ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation sa Purok Bagong Buhay, Brgy. Bancao-Bancao noong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ng mga pulis ang suspek na si Ryan Kevin Antenero, residente ng Lacsamana Road, Brgy. Tiniguiban.

Ayon kay P/Maj. Lorence Bataller, hepe ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) Station 1, ang suspek ay matagal nang naituro sa kanila na nagbebenta ng marijuana at sa kanilang pagmamanman ay nahuli din ito.

“Actually, itinuro na ito sa amin, may information na kaming nakuha na ito ay nagbebenta ng drugs kaya kami ay nagkasa ng operation. Minamanmanan namin siya at ito nga naituro siya sa amin, nakuha namin siya mga 7:25 ng gabi,” ayon kay Bataller.

Dagdag pa ni Bataller, patuloy pa nilang paiigtingin ang operasyon laban sa pagbenta o paggamit ng mga illegal na droga.

Katuwang naman ng Station 1 sa pagsagawa ng operasyon ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ang Anti-Crime Task Force.

Nakuha sa suspek ang isang sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang marijuana at marked money na nagkakahalagang P500

Nasa kustodiya na ng Station 1 ang suspek at makakaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs of 2002.

Previous articlePALECO set to begin Phase 1 of SCADA control system project
Next articleSpecial Olympics aims to support intellectually disabled athletes
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.