(Larawan mula sa MPS Narra)

Isang pinaghihinalaang nagtutulak ng ipinagbabawal na droga ang nadakip ng operatiba ng Puerto Princesa City Police Station 2 Drug Enforcement Unit (PS 2 DEU) sa isinagawang buy-bust operation sa Zone 4, Sitio Bucana, Barangay Iwahig sa lungsod ng Puerto Princesa, dakong 3:05 ng hapon ngayong Biyernes, Marso 25.

Ang suspek ay kinilalang si Raymart Gonzales Ignacio, 25 taong gulang, na nasa listahan ng pulisya bilang isang high-value individual (HVI) at matagal nang minamatyagan.

Nakuha sa suspek ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu at P3,000 buy-bust money.

Si Ignacio ay nasa kustodiya ngayon ng PS 2 para sa kaukulang disposisyon.

About Post Author

Previous articleCity gov’t organizes caravan for youth organizations’ NYC accreditation
Next articleDILG-Puerto Princesa first to comply with devolution transition plan in MIMAROPA
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.