Kasalukuyang iniimbestigahan ng Palawan Police Provincial Office (PPO) ang ilang indibidwal na posible umanong may kaugnayan sa mga kaso ng pagpatay sa ilang bayan sa lalawigan.

Base ito sa tinatakbo ng imbestigasyon ng pulisya matapos sumuko nitong nakalipas na buwan sa mga awtoridad sina Leonida Radam at Franklin Arcoyo, kapwa empleyado ng National Museum, na itinuturing na mga suspek sa pagpatay sa kanilang katrabahong maintainance utility engineer na si Jitter Delos Santos taong 2017

Ayon sa hepe ng PPO na si Col. Adonis Guzman, maliban sa dalawang suspek na sumuko, tinitingnan din ng PNP kung sangkot ang ilan pang indibidwal na may mga kasong pagpatay sa lalawigan na nasampahan na din ng kaso.

Hindi ito pinangalanan ni Guzman, ngunit inamin nitong ito ay isang dating pulis.

“Same group of people and same ang isang suspect natin na dating pulis,” pahayag niya.

Kasalukuyan namang isinasagawa ang pagtugis para sa nasabing indibidwal.

October 2017 nang pagbabarilin ang biktima habang sakay ng kanyang motorsiklo para sunduin ang misis na nagtuturo sa eskwelahan sa Barangay Tabon sa bayan ng Quezon, Palawan,

Ayon sa PPO nagtamo ng walong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na naging sanhi ng agarang kamatayan nito.

About Post Author

Previous articleJeju official eyes golf course investment in Puerto Princesa
Next articleSeattle’s bus-riding dog Eclipse passes away
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.