Ang suspek na si Rowel Monserate (kanan) matapos siyang maaresto kaninang madaling araw sa Brgy. Bunog, Rizal, Palawan.

Hawak na ngayon ng Quezon Municipal Police Station (MPS) ang suspek sa pamamaril at pagpatay sa isang negosyante sa Brgy. Alfonso XIII sa bayan ng Quezon noong madaling araw ng January 1.

Naaresto ang suspek na si Rowel Monserate, ngayong ala una nang January 3, sa Purok Masagana, Brgy. Bunog sa bayan ng Rizal, kung saan ito nagtago matapos nitong isagawa ang pagpaslang sa negosyante na si Lou Cardiño.

Agad itong nahuli sa pagtutulungan ng PNP Investigation and Detection Management Unit (PIDMU) ng Palawan Police Provincial Office (PPO), Quezon MPS, mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit (PIU) ng PPO, personnel mula sa Regional Special Concerns Group (RSCG) MIMAROPA, 18th Special Forces Company ng Philippine Army, detachment commander, at mga barangay tanod ng Bunog.

Ayon sa inisyal na impormasyong nakuha ng Palawan News, selos ang naging dahilan ni Monserate sa pamamaril, matapos umanong maabutan nito ang kanyang live-in partner at ang biktima sa kanilang bahay na nag-uusap. Naging dahilan ito kung bakit nagalit siya kay Cardiño.

Bagama’t tumangging magbigay pa ng impormasyon ang pulis kaugnay sa pagpatay, tinutukoy naman nitong may potential ang suspek sa paggawa ng krimen, ayon na rin sa kanilang nakalap na impormasyon. 

Si Monserate ay miyembro umano ng Bantay Palawan at grupong Commando na may mga nauna ng kasong kinasangkutan.

May kasama itong dinampot din ng mga awtoridad ngunit hindi na ito pinangalanan.

Nakumpiskahan din siya ng isang unit ng Armscor caliber .38 revolver na may apat na live ammunitions, isang cartridge case, at iba pang gamit. Nasa kustodiya siya ngayon ng Quezon MPS.

Ayon sa PNP, isasailalim sa ballistic examination ang baril, kabilang na ang tatlong basyo ng bala na nakuha malapit sa natagpuang katawan ng biktima, upang mapatunayan ang hinihinalang kaugnayan nito sa pagpatay.

About Post Author

Previous articlePCG warns public against fake PCG Auxiliary recruiters
Next articleOrtega asks PRC to conduct LET oath-taking in Palawan
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.