Photo courtesy of PS2

Muling nagsilbi ang awtoridad ng bagong warrant of arrest kay Josam Capuno, ang suspek sa pagbaril at pagpatay sa magka live-in partner sa Barangay Iwahig noong 2020, dahil sa isa pang kaso ng pagpaslang.

Ang warrant para ay isinilbi sa kanya noong Marso 31 sa Puerto Princesa City Jail (PPCJ) kung saan siya ay kasalukuyang detenido dahil sa two counts ng kasong pagpatay sa mga biktima na sina Nelson Quirino at Baby Cortez noong Agosto 9, 2020.

Ayon kay P/Lt. Col. Alonso Tabi Jr, tagapagsalita ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO), sa panibagong warrant para sa murder na ibinaba ni Judge Leah Delos Reyes-Baguyo ng Branch 48, 4th Judicial Region, Regional Trial Court (RTC), noong Hulyo 30, 2021, nakasaad na ang kanyang biktima ay isang “alyas Junnie” na natagpuang patay sa Kilometer 12, South National Highway sa Barangay Irawan noong 2018.

Sa pahayag ni Tabi sa Palawan News, si alyas Junnie ay nakainuman ni Capuno bago ito nakitang nakasilid sa sako at patay na sa highway sa lugar noong Oktubre 31, 2018.

- Advertisement -

“Nagkainuman sila, 4 a.m. nangyari ang pagpatay before [sa] gate ng Iwahig, mga 8 a.m. nakita,” pahayag ni Tabi.

“Kaya nakita ng investigator ang primary crime scene is dahil sa patak ng dugo sa kalsada, galing sa bahay [kung saan nangyari ang pagpatay] hanggang sa may pinagtapunan sa highway lang din,” dagdag nito.

Si Capuno ay kasalukuyang nakakulong sa city jail dahil sa pagpaslang kina Quirino at Cortez habang nagkakasayahan sa labas ng mismong bahay ng mga ito sa Iwahig. Naaresto siya kinabukasan, Agosto 10, 2020, at nasampahan ng kaso sa pamamagitan ng inquest proceedings.

Previous article[UPDATED] Guitar lessons offered to young people willing to learn in Puerto Princesa City
Next articleDOH studies booster inclusion on fully vaxxed status
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.