SUMUKO DAHIL NAKONSENSYA: Makikita sa larawan si Richard Ligad (nasa kaliwa, nakasuot ng pulang polo shirt), ang hepe ng Anti-Crime Task Force at city information officer, habang kinakapanayam ang suspek na si Ronald Dante (nakaupo sa kanan) sa pagpaslang sa security guard na si Jessie Mampay. Sumuko si Dante sa isang kagawad ng Brgy. Sta. Lourdes at sa Anti-Crime Task Force noong madaling araw nang Nobyembre 21, 2022. (Photo courtesy of Richard Ligad)

[UPDATED] Sumuko na si Ronald Dante, ang main suspect sa pagpaslang sa security guard na si Jessie Mampay, sa City Police Station 1 (CPS 1) kaninang madaling araw, Nobyembre 21.

Ayon sa source ng Palawan News, si Dante diumano ay nakonsensya sa ginawang pagpatay kay Mampay, 43 taong gulang, noong madaling araw ng Nobyembre 2 sa establisyemento kung saan ito nagtratrabaho bilang security guard sa Rizal Avenue.

Unang tumungo si Dante sa dating kagawad ng Barangay Sta. Lourdes na si Rene Guarino para humingi ng tulong sa pagsuko sa mga awtoridad dahil inuusig na umano ito konsensya.

“Nakokonsensiya na daw siya, hindi na makatulog, kaya lumapit na siya [kay Guarino] para makahingi ng tulong na sumuko sa Anti-Crime Task Force (ACTF),” pahayag ng source na ayaw magpabanggit ng pangalan.

- Advertisement -
Si city information officer at ACTF chief Richard Ligad (nakapulang polo shirt) habang kinakausap si Ronald Dante matapos itong sumuko. (Photo courtesy of Richard Ligad)

Ayon pa sa source, alas dos ng madaling araw tumungo ang kagawad ng Sta. Lourdes at si Dante sa ACTF. Matapos ang isang oras, bandang alas tres, kasama si ACTF chief Richard Ligad, ay dinala si Dante sa CPS 1 at ibinigay na ito sa kustodiya ng pulis.

Inamin ng suspek na sinaksak niya si Mampay, ngunit ito daw ay dahil sa naipong galit simula nang unang gabi na sitahin siya nito.

Hindi na naidetalye pa ang mga petsa kung kailan ang mga naganap na paninita.

“Pangalawang insidente na daw kasi na nagkasitahan sila. Una, dalawang gabi ang nakalipas bago ang pagsaksak, lasing din siya, makikipuwesto lang sana siya pero pinaalis daw siya ng biktima. Sinipa pa daw siya, ‘yun ang nag trigger sa suspek,” pahayag ng source ng Palawan News.

Previous articleBangkang may dalang modules sa Taytay, tinulungan ng PNP Maritime at PCG
Next articlePuerto Princesa City and Palawan placed under Alert Level 2 from Nov 22-30
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.