Sep 29, 2020

Suspek sa pagnanakaw ng mga kable, patay matapos mang-agaw ng baril

Kinumpirma ni Anti-Crime Task Force (ACTF) head Richard Ligad na namatay na ang suspek na si Titanic Batul, 21, residente ng Barangay Bancao-Bancao matapos mang-agaw ng baril at manlaban sa mga pulis habang nasa nasabing lugar kung saan ituturo sana nito ang kanyang mga kasama at dinadalhan ng mga wire na kanilang ninanakaw.

Ang suspek sa pagnanakaw ng kable mula sa mga poste ng ilaw ng lungsod na si Titanic Batul, 21. (Contributed photo)

Kinumpirma ni Anti-Crime Task Force (ACTF) head Richard Ligad na namatay na ang suspek na si Titanic Batul, 21, residente ng Barangay Bancao-Bancao matapos mang-agaw ng baril at manlaban sa mga pulis habang nasa nasabing lugar kung saan ituturo sana nito ang kanyang mga kasama at dinadalhan ng mga wire na kanilang ninanakaw.

“With the clearance of our city director, P/Col. Marion Balonglong, ‘yon nga ang isang malungkot na balita, itong suspek natin ay nasa Ospital ng Palawan (ONP) ngayon, at sumakabilang buhay na dahil sa nangyari. Kanina meron na siyang revelation, pupuntahan daw nila ‘yong pinagdadalhan nila ng wire at kanyang mga kasama sa Barangay Langogan, ‘yan ang initial report sa atin. Habang nasa mobile patrol sila, nagkaroon ng komosyon, at nang-agaw ng baril ang suspek at ‘yon na nga ang nangyari, so far aalamin pa natin ang iba pang detalye kay director Balonglong,” sabi ni Ligad.

Ang suspek matapos mahuli dahil sa hinalang pagnanakaw ng kable ng kuryente.

Dinala naman si Batul sa ONP ngunit naideklara itong dead on arrival.

Samantala, bago mangyari ang insidente, nag-ikot ang mga pulis at anti-crime madaling araw at nahuli sa akto si Batul, kasama ang apat niya pang kasamahan na nagnanakaw ng kable sa Brgy. Tagburos ngunit ito lamang ang kanilang nadakip, kaya’t ito ay hiningan ng impormasyon ukol sa kanyang mga kasamahan.

Matapos makakuha ng impormasyon, isinama ng mga pulis sa lugar na itinuturo ni Batul ngunit pagdating doon ay nanlaban ito kaya’t nabaril ng mga pulis at namatay.

Dagdag pa ni Ligad, sa binigay na rebelasyon ng suspek, may mga lumutang na pangalan na sangkot at maaaring nasa likod ng pagnanakaw ng mga kable.

Matatandaang noong nakaraang buwan lamang ay pinaiimbestigahan ng city government ang pagnanakaw ng kable ng ilaw sa mga barangay ng Tagburos, Sicsican, at Irawan.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry