Ang suspek sa pagbebenta ng shabu na si Jovelon M. Caballero (nasa gitna, nakasuot ng t-shirt na itim) habang kinakausap ni Police Major Thirz Starky Timbancaya (nasa kaliwa) matapos siyang maaresto sa labas ng kanyang inuupahang boarding house sa Barangay Masagana, El Nido. (Photo courtesy of Police Major Thirz Starky Timbancaya/El Nido MPS)

Isang 26 anyos na lalaki ang inaresto sa isang buy-bust sa Barangay Masagana sa bayan ng El Nido dahil sa hinalang pagbebenta ng shabu.

Kinilala ito ni Police Major Thirz Starky Timbancaya, ang hepe ng El Nido Municipal Police Station (MPS), na si Jovelon M. Caballero, binata, walang trabaho, at naninirahan sa Sitio Nasigdan, Masagana pero permanenteng residente ng Barangay New Ibajay sa naturang bayan.

Naaresto ito noong ika-15 ng Marso bandang 12:30 p.m. habang nasa sinasabing akto ng pagbebenta ng shabu sa asset ng pulisya.

Ayon  sa spot report na inilabas ng El Nido MPS sa pamamagitan ni Timbanca, nakumpiska mula sa kanya sa buy-bust ang isang heat-sealed plastic sachet na naglalaman umano ng white crystalline substance na sinasabing shabu, tatlo pang sachets na may kaparehong laman, marked money na nagkakahalaga ng P500, at iba’t ibang drug paraphernalia.

Naaresto ito sa labas lamang ng kanyang boarding house.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek.

Previous articleIsrael firm eyes joint oil exploration in Palawan
Next articleOur life is a mountain climb