Photo courtesy of PPCPO

[UPDATED] Isang babaeng nagbenta ng lupa sa halagang P800,000 na daanan pala, ang inaresto sa entrapment operation ng awtoridad, bandang 8:30 kagabi sa Barangay San Pedro, Puerto Princesa City.

Ang inaresto ay kinilalang si Maria Erlinda Carias. Ayon sa report ng Puerto Pincesa City Police Office (PPCPO), lumapit sa Police Station 1 (PS 1) ang biktima para humingi ng tulong matapos na malaman na daan o daanan pala ang ibinentang lupa sa kanya ni Carias.

“May binili siyang lupa dito sa Puerto in Barangay San Pedro na nagkakahalaga ng P800,000. May remaining balance pa siyang nasa P100,000. Nag-verify siya, na found out niya na yung ibinenta sa kanya ay hindi pala pag-aari ng suspek at daan ito — isang road pala,” ayon kay PPCPO director P/Col. Roberto Bucad.

Matapos na malaman ng biktima ang mga panloloko ni Carias, muli siyang nakatanggap nang tawag mula dito na sinisingil mula sa kanya ang balanse na P100,000.

- Advertisement -

Dahil dito, ayon kay Bucad, agad na nagsagawa ng entrapment operation ang mga awtoridad laban kay Carias.

Sa lugar, kung saan nagkita ang dalawa, at matapos magkaabutan ng pera, inaresto na ang suspek ng mga tauhan ng PS 1.

Previous articleWATCH: It’s time. ǝpᴉs ɹǝɥʇo ǝɥʇ uo noʎ ǝǝs
Next articlePort Barton power service resumes
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.