Suspek sa nakawan na suot pa ang damit ng biktima, huli sa hot pursuit

Ang 21 taong gulang na suspek sa pagnanakaw na si Gilbert Lopez.

Suot ng 21 taong gulang na suspek sa pagnanakaw na si Gilbert Lopez ang damit ng anak ng pamilyang kanyang biniktima kaya ito naaresto, Sabado ng umaga, matapos gawin ang krimen sa Narra.

Naaresto si Lopez sa hot pursuit operation na ikinasa dahil na rin sa tulong ni Ritchi Valiao Gabayeron na ninakawan niya ang bahay sa Purok Highway sa Barangay Malatgao, maaga pa noong Hunyo 19.

Narekober sa suspek ang apat na piraso ng mga babasaging baso, limang piraso ng plastic na plato, isang  platito, dalawang kutsara, limang tinidor, apat na tasa, dalawang piraso ng kaldero, at isang kaserola.

Ayon sa report ng pulisya, sinita ni Gabayeron si Lopez bandang 12:15 ng hapon noong Hunyo 19 matapos makitang naglalakad ito at suot ang damit ng anak.

Sa pagkakataong iyon ay hindi pa alam ni Gabayeron na ang bahay nila ay nilooban at tinangayan ng mga gamit na nagkakahalaga ng P1,500 at P10,000 na cash sa nabanggit na lugar.

Matapos sitahin ay tumakas si Lopez ngunit nai-report na ito sa awtoridad. Ang pag-aresto ay sa tulong din ni kapitan Chauncy Yap ng Malatgao matapos na makipag-ugnayan ito kay kapitan Fernando Antmana ng Barangay Taritien kung saan diumano nakatira ang suspek.

Maliban sa nabanggit na halaga ng pera, narekober din sa suspek ang apat na piraso ng mga babasaging baso, limang piraso ng plastic na plato, isang  platito, dalawang kutsara, limang tinidor, apat na tasa, dalawang piraso ng kaldero, at isang kaserola.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry