Inaresto ng awtoridad ang isang 19 anyos na lalaki dahil sa kasong paglabag sa Forestry Reform Code of the Philippines na may kaugnayan sa iligal na pamumutol ng kahoy noong Disyembre 9.

Sa ulat ng Palawan Police Provincial Office (PPO) na ipinasa ni P/Maj. Ric Ramos ay kinilala ito na si Elmer Duhaylungsod, residente ng Purok Rubber, Brgy. Luzviminda kung saan din ito naaresto.

Ang pag-aresto ay sa bisa ng warrant na may petsa na Agosto 11, 2009, na inisyu ni Judge Ambrosio de Luna ng Branch 51 ng Palawan Regional Trial Court.

Ang pag-aresto kay Duhaylungsod ay isinagawa ng CIDG Palawan PFU kasama ang 2nd Palawan PMFC at PHPT- Palawan.

- Advertisement -

Nasa kustodiya siya ng CIDG, samantalang ang korte ay nag-rekomenda ng halagang P24,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Previous articlePAGASA monitoring LPA east southeast of Mindanao
Next articleLalaki arestado matapos makumpiskahan ng baril, mga bala sa kanyang bahay sa Bataraza
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.