Ang suspek na si Melvin Senilla Alvarez matapos itong maaresto ng pulis sa bayan ng Taytay. | Photo courtesy of Palawan Police Provincial Office

Isang 26 anyos na lalaki ang inaresto ng mga pulis sa Barangay Poblacion ng bayan ng Taytay dahil sa kasong frustrated murder.

Ang inaresto sa Sorillo Street ng nasabing barangay ay kinilala sa spot report ni P/Maj. Ric Ramos bilang si Melvin Senilla Alvarez.

Makalalaya lamang siya pansamantala kung maglalagak ng piyansang P72,000 base sa warrant of arrest na ibinaba ni Judge Paul Jagmis ng Branch 95 ng Regional Trial Court noong February 4, 2021.

Nasa kustodiya na siya ng Taytay Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyon. 

- Advertisement -

Previous articleServicio at your service at SM
Next articleARTA joins drafting of JAO on online discounts for seniors, PWDs