Ang suspek na si Roger Mitra Labadan habang kinukuhanan ng mugshot. | Photo courtesy of Richard Castro Ligad FB account

 

Naaresto ng mga awtoridad ang suspek sa syndicated estafa na si Roger Mitra Labadan, Sabado ng hapon, sa Barangay Villa Kananga, Butuan City.

Ayon sa post sa Facebook ni city information officer Richard Ligad, araw din ng Sabado, si Labadan ay isa sa itinuturong lider ng Ambrilliance na nasangkot sa investment scam at ipinagharap ng reklamo.

Sa kanyang post, sinabi ni Ligad na si Labadan ay inaresto sa bisa ng warrant na inilabas laban sa kanya nina Judge Ambrosio de Luna at Leah E. Delos Reyes-Baguyo dahil sa pagkakasangkot sa eight counts ng estafa.

Sa kabuoang walong kaso, isa lamang ang walang nirekomendang bail. Ang mga halaga ng bail ay nasa pagitan ng P16,000 at P40,000.

- Advertisement -

Ang pag-aresto sa kanya ay kolaborasyon sa pagitan ng mga pulis sa Butuan City, Puerto Princesa City Police Office, at Anti-Crime Task Force.

Matatandaan na noong 2016 ay sunod-sunod ang mga investment scams sa Puerto Princesa City na kinasasangkutan ng ilang mga kompanya tulad ng Ambrilliance, Innov8 Beauty and Wellness Inc., at Seven Star General Merchandise.

Ayon sa hepe ng National Bureau of Investigation (NBI) noong July 2016 sa kanyang ulat sa Sangguniang Panlungsod, umabot sa 2,300 ang bilang ng mga indibidwal na nag-complain laban sa mga nasabing investment company na diumano ay sangkot sa scam.

 

Previous articleCelebrity couple Luis Manzano and Jessy Mendiola announce engagement
Next articleEDITORIAL: The mango pulp weevil – Palawan’s never-ending debacle
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.