Larawan mula sa Police Provincial Office (PPO),

Inaresto ng operatiba ng Brooke’s Point Municipal Police Station (MPS) ang isang lalaki dahil sa akusasyon na ito ay ilegal na namutol ng kahoy sa Barangay Pangobilian, ngayong bandang 4:30 ng madaling araw, Mayo 30.

Kinilala ang suspek na si Kris Apecio Masong, 40, residente ng Brgy. Imulnod sa nasabi rin na bayan.

Ayon sa spot report mula sa Police Provincial Office (PPO), nakita ng mga nagpapatrolya na pulis ang isang topdown tricycle na may sakay na mga pinutol na kahoy. Nang akto na nilang aalamin kung saan ito galing ay sinubukan pa ni Masong na tumakas ngunit nahuli pa rin ito.

Bigo rin itong magpakita ng mga kaukulang dokumento na maaaring makapagpatunay na legal ang source ng mga kahoy.

- Advertisement -

Ang suspek, maging ang kumpiskadong tricycle, at 25 na piraso ng iba’t ibang sukat nang pitutol na kahoy na Agas ay nasa kustodiya ngayon ng Brookes Point MPS.

Previous articleMotorcycle rider patay sa aksidente sa bayan ng Roxas
Next articleThe Rule of Thirds
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.