Nov 26, 2020

Suspek na matagal ng wanted sa kasong murder, nahuli sa Narra

NARRA, Palawan — Isang 46 anyos na residente ng Narra na matagal ng wanted sa kasong murder ang naaresto na ng mga pulis noong Huwebes.

Kinilala ito na si Wanshing Flores, residente ng Barangay Malatgao. Naaresto siya sa Sityo Mariwara, Brgy. Princess Urduja dakong 5:10 p.m., ayon kay P/SSg. Oliver Lagan.

“Bale naaresto siya sa loob ng sabungan,” sabi ni Lagan sa panayam ng Palawan News.

Ang pag-aresto kay Flores ay bunga ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Angelo Arizala ng Branch 52, Regional Trial Court (RTC). Walang inirekomendang bail para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry