Isang pinaghihinalaang tulak ng ipinagbabawal na gamot ang dinakip ng mga operatiba ng Puerto Princesa City Police Station 1 (PS1), City Police Drug Enforcemwnt Unit (CPDEU), at City Anti-Crime Task Force sa Marcelo Compound, Barangay San Pedro, 10:50 ng umaga, araw ng Biyernes, Enero 29.

Nadakip sa buy-bust operation ang suspek na kinilalang si Herte Ian  Apundar, 38, nagtatrabaho bilang credit officer sa isang lending company.

Ayon kay P/Capt. Ray Aron Elona itinuturing na high-value individual (HVI) ang suspek.

“Considered ito as HVI dahil kasama siya sa reloaded list sa regional level natin,” ani Elona

 

 

“Namonitor natin itong activity niya about sa drugs early this year, pero ayon sa kanya, involved na sya sa droga last year pa. Aminado naman siya involved siya sa droga,” dagdag niya

Nagkaroon pa ng habulan nang maramdaman ni Apundar ang buy-bust operation. “Nagkaroon ng transaksyon sa pagitan ng suspek at ng asset sa Marcelo Road pero tumakbo ang suspek at naabutan siya sa labas ng kanyang bahay,” pahayag ni Elona

Nakuha kay Apundar ang P15,000 buy-bust money, cellphone at nasa humigit kumulang six grams na suspected shabu na may estimated value na P40,000.

Ang suspek ay nasa kustodiya na ng pulis habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangeroua Drugs Act of 2002.

 

About Post Author

Previous article7 things to look out for in the 3-day ‘V sa V: The Viet Village Market’ in Sta. Lourdes
Next articleDar approves tech assistance for construction of halal slaughterhouse in PPC
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.