SAN VICENTE, Palawan — Idinaos noong Biyernes sa bayan ng San Vicente ang “Retooled Community Support Program (RCSP) workshop seminar” sa inisyatiba ng DILG San Vicente.
Ang seminar ay dinaluhan ng mga opisyales ng barangay, lokal na pamahalaan ng San Vicente, mga organisasyon, mga kawani ng MPS, RMFB,BFP, at MBLT-3. Layunin ng pagpupulong ay upang mapalakas ang kilos ng pamahalaan na sugpuin ang terorismo sa lugar.
Ang seminar ay naaayon sa Executive Order Number 70 series of 2018 patungkol sa “whole of nation approach” upang tapusin ang insurgency problem at mailatag ang peace framework ng pamahalaan.
Hinikayat ni DILG Rustico Dangue partikular ang mga barangay officials na maging alerto at mapagmasid sa kanilang nasasakupan upang maiwasan ang paglaganap ng terorismo sa kanila lugar.
“Hampered ang mga activities at serbisyo project natin dahil sa kagagawan ng mga makakaliwang grupo. Na experience na natin ito dito sa San Vicente twice may mga sumunog ng mga equipment na ang dahilan ay ang hindi pagbibigay ng butaw o revolutionary tax ang ating mga contractors, ang epekto nito ay nahinto ang paggawa.
Sa isang presentasyon, idiniin ni Lydia Rodriguez, administrative officer ng San Vicente, na sinisikap ng LGU na maibigay ng maayos at mabilis ang serbisyo sa mamayan upang maiwasan ang recruitment ng mga makakaliwang grupo.
“Tayo po ay incharge na humikayat sa kanila (mamayan) at huwag sumama o sumali sa makakaliwang grupo. Ang trabaho ng ating mga melitary men sila ang bahala sa conflict at tayo naman ang bahala sa mga services,” ani Rodriguez.
“Hinihikayat natin sila na bumaba sa bukid at maging part ng ating community kung saan magiging bahagi sila na makikinabang direkta sa mga serbisyo ng pamahalaan na pina iigting ng ating gobyerno lalo dito sa atin sa San Vicente,” dagdag pa ni Rodriguez.
Lumagda ang mga dumalo sa isang manifesto of support sa EO 70 at pagkondena sa mga rebelde, kasabay ng pagdedeklara ng New People’s Army bilang persona non grata.