Home POLITICS & GOVERNANCE Municipality Supply ng tubig sa San Vicente pansamantalang mawawala

Supply ng tubig sa San Vicente pansamantalang mawawala

2
0
Larawan mula sa San Vicente Water Works.

Pansamantalang mawawalan ng daloy ng tubig ang ilang lugar sa bayan ng San Vicente ngayong araw ng Lunes, Hunyo 28.

Ayon sa water supply interruption advisory na inilabas ng San Vicente Water Works (SVWW), magsasagawa ng pagsasaayos ng linya sa mga lugar ng Motorpool Landing, Airport, Batakano, Poblacion Proper, RHU to PSU, Panindigan, Pinagmangalucan, at Alta Homes. Partikular na gagawin ng SVWW ang trouble shooting ng Poblacion transmission line mula sa Little Baguio hanggang sa So. Landing Bridge.

Dahil dito, pansamantalang mawawalan ng daloy ng tubig ang mga concessionaire sa mga nabanggit na lugar simula alas otso ng umaga hanggang alas dose ng tanghali.

“Sisikapin ng aming maintenance personnel na maibalik ang supply ng tubig sa lalong medaling panahon. Humihingi ng paumanhin kami ng pang-unawa sa mga residenteng maaapektuhan ng pagka-antala ng daloy ng tubig,” pahayag ng pamunuan ng SVWW.

Previous articleCloudy skies with isolated rain showers over Palawan
Next articleTatlong lalaki kabilang ang 3 menor de edad, huli sa pagnanakaw sa isang hotel sa Coron
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.