Bumalik na sa normal ang daloy ng tubig sa Aborlan, ayon sa Aborlan Water System Management and Operation Unit (AWS MOU)

Bumalik na sa normal ang supply ng tubig sa munisipyo ng Aborlan matapos ang isinagawang maintenance and pipeline repair ng Aborlan Water System Management and Operation Unit (AWS MOU) noong araw ng Biyernes, September 17.

Umapaw ang water source ng AWS sa Talakaygan River sa Barangay Cabigaan at nasira ang ilang main pipelines dahil sa pagbaha na dulot ng sunod-sunod na pagbuhos ng ulan ngayong linggo. Dahil dito, naapektuhan ang supply ng tubig sa siyam na barangay na kinabibilangan ng Cabigaan, Magbabadil, Mabini, Poblacion, San Juan, Tagpait, Magsaysay, Iraan at Isaub.

Ayon kay Edwin Yadao, AWSMOU head, nakaranas ng pagbaha ang kanilang main water source noong miyerkules, September 15 sa Talakaygan river na naging dahilan ng pagkasira sa ilang mga pipelines kaya hindi sila nakapag-suplay ng tubig sa buong bayan ng Aborlan.

“Two times nagbaha this week, noong wednesday ng hapon nagsimula. Naibalik namin ang tubig 11:25 a.m. na ng thursday. Then friday 3 a.m. baha ulit kaya maghapon ng friday wala ulit supply ng tubig. Naibalik namin friday 6:30 p.m. Ngayon maayos ang supply natin,” paliwanag ni Yadao, Sabado, September 18.

- Advertisement -

Paalala ni Yadao sa mga consumers, mas mainam na mag-ipon ng tubig nang mas maaga dahil hindi inaasahan ang mga ganitong sitwasyon ng pagbaha at malakas na pagbuhos ng ulan na nagiging dahilan ng pagkawala ng water supply.

“Kung wala namang ganitong scenario, baha o ulan, normal ang tubig natin. Malinaw ang planta natin mula sa main source sa Cabigaan,” aniya.

Previous articleStudy confirms sightings of endangered blue whale in Philippine waters
Next articleMga residente ng Brgy. Estrella Village sa Narra pinagkalooban ng serbisyong pangkomunidad
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.