Makikita sa larawan ang mga firefighters sa bayan ng Aborlan habang pinapatay ang sunog sa tindahan ng motorsiklo na Starbike. (Photo courtesy of Bandera)

Isang sunog ang naitala ng municipal Bureau of Fire Protection (BFP) sa bayan ng Aborlan Miyerkules ng madaling araw sa tindahan ng motorsiklo na Starbike.

Ayon kay municipal fire marshal Senior Inspector Randy Paz ng Aborlan, nag-umpisa ang sunog sa Starbike pasado alas dose ng madaling araw.

“Pagdating namin sa area, malakas na ang apoy. Medyo nahirapan kami sa pagbukas ng role up door nila dahil mainit na. Pero di naman tumagal ang apoy,” sabi ni Paz.

Base sa kanilang inisyal na imbestigasyon, tinitingnang anggulo na ang sunog ay nagmula sa bahagi ng tindahan na dapat sana ay pang-display lang ang ilalagay. Pero maging ang mga inaayos na motorsiklo ay sinasabing doon rin iniimbak.

Maaaring nagkaroon nang pag-spark kaya nagkaroon ng sunog. Tinitingnan pa rin ang iba pang maaaring dahilan hanggang sa isinusulat ang balitang ito.

“Yon kasing mga motor na ginagawa nila doon lang din naka-imbak so maaaring nagkaroon ng spark doon na nag-cause ng apoy. Marami kaming tinitingnan na anggulo. We are still conducting follow up investigation,” pahayag niya.

Nasa 11 na motorsiklo ang nasunog sa Starbike na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit kumulang P200,000.

Previous articleMeasles vaccination hesitancy due to religious beliefs – PHO
Next articleRenew names early, DTI urges businesses in Palawan