Umabot sa unang alarma ang sunog na naganap noong Miyerkules ng gabi sa Arguilles Street, Purok Masipag, Barangay San Manuel sa lungsod ng Puerto Princesa kung saan natupok ang isang bahay.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) sa lungsod, wala namang nasaktan sa naganap na sunog sa bahay ni Aristeo Danao.

Tumagal ng halos isang oras ang sunog na nag-umpisa bandang 6:19 ng gabi bago ito tuluyang naapula.

“Under investigation pa rin ang cause ng sunog, pero mayroon na kaming estimated damages na aabot sa P9,000,” pahayag ni FO1 Mark Anthony Llacuna, tagapagsalita ng BFP.

Ayon naman sa isang source na humiling na huwag pangalanan, maaaring ang dahilan nito ay ang naiwang naka-charge na cellphone, ngunit ito ay isa sa mga anggulong iimbestigahan.

Previous articleDTI Palawan to finish distribution of assistance to MSMEs by mid-year
Next articleNew minimum wage takes effect June 10
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.