Isang sundalo ang nasawi matapos aksidenteng mabaril ang sarili habang naglilinis ng kanyang service firearm sa kanyang bahay sa Barangay 3, Roxas, Palawan, dakong 11:00 ng gabi nitong Linggo, Nobyembre 20.

Sa report na nakuha ng Palawan News, ang biktima ay nakilalang si Sgt. Mike Panganiban De Castro na kasalukuyang nakadestino sa Coastal Defense Regiment (CDR) sa Oyster Bay Detachment sa Brgy. Macarascas.

Agad na dinala ang biktima sa Roxas Medicare Hospital, ngunit idineklara itong dead on arrival ng attending physician.

Nakuha sa kanyang bahay ang isang Glock 17 9.mm pistol, isang basyo ng .9 mm, at isang magazine na may lamang 12 bala.

About Post Author

Previous articleIlang sachet ng hinihinalang ilegal na droga, nasamsam sa isang buy-bust sa bayan ng Narra
Next articlePPCPO pinag-iingat ang mga motorista dahil madulas ang kalsada
is the chief of correspondents of Palawan News. She covers defense, politics, tourism, health, and sports stories. She loves to travel and explore different foods.