Napapakinabangan na ng mga mamamayan sa munisipyo ng Rizal ang subsidiya ng pamahalaang lokal sa Rizal District Hospital (RDH) na nagkakahalaga ng P3 milyon.

Sa pamamagitan ng isang ordinansa na iniakda ni vice mayor Norman Ong ay isinabatas ang paglalaan nang nasabing pondo para sa ospital upang magamit ng mga residenteng kapos sa kakayanang pinansyal.

Ayon kay Grace Macasaet-Zapanta, committee chair ng Committee on Appropriations, layon nitong tulungan ang mga katutubo at mamamayan sa Rizal na mabawasan ang kanilang mga hospital bills dahil sa laboratoryo at check-up kung sakaling ma-admit at magpapagamot.

“Naglaan tayo ng P3 million para po sa mga kababayan natin, at ito ay kanilang mapapakinabangan, bawas sa bayarin at sa mga gamot na kinakailangan,” sabi ni Zapanta, Miyerkules, October 13.

- Advertisement -

Adbokasiya umano ng pamahalaang lokal na hindi mahirapan ang kanilang mga kababayan sa pagpapagamot at hindi na problemahin ang mga bayarin sa hospital.

“Sa tulong po ng ating Sangguniang bayan, ni Mayor Otol Odi, at vice mayor Ong, ay karapatan ng ating mga kababayan na makapagpagamot sila at tutulungan sila ng ating LGU, lalong lalo na sa mga katutubo natin,” dagdag niyang pahayag.

Previous articleLima tatakbo sa pagka-alkalde sa bayan ng Sofronio Espańola
Next articleHappy with your delivery? Pay tribute to your ‘super riders’ and get a chance to win prizes
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.