Nagsagawa ang Villa Fria Elementary School sa bayan ng Agutaya ng isang stress debriefing lecture para sa kanilang mga guro bilang bahagi ng aktibidad ng DepEd ngayong lockdown o ang Mode of Verification per school nitong Miyerkules.
Ang lecture na “Coping with Stress During COVID-19” ay isinagawa ng public nurse na si Bobby Bryan Llanzana.
Isinabay ni Llanzana ang pagtuturo ng yoga sa mga guro bilang bahagi ng kanyang nasabing lecture.
“I have been practicing yoga for almost 5 years, and since then I have had improved health overall and why not share it to the community. With yoga, I never had to get a massage. Dahil lang sa COVID kaya ang hirap mag-organize ng mass gathering. But since nagkaroon ng pagkakataon ang mga teachers sa Villa Fria, in-inject ko ang yoga,” ayon kay Llanzana.