Ang mga nakumpiskang sachet ng shabu mula sa suspek na si Dennis Nabalitan na residente ng Purok Maliwanag, Barangay Alfonso XIII sa bayan ng Quezon. | | Photo by Quezon MPS

QUEZON, Palawan — Arestado sa isang anti-illegal drugs buy-bust operation ang isang 36 anyos na welder sa bayan na ito sa compound ng isang sing-a-long bar noong Marso 19 matapos makabili sa kanya ang isang undercover agent ng mga awtoridad na nagsagawa ng joint operation.

Kinilala ang suspek na si Dennis Nabalitan na residente ng Purok Maliwanag, Barangay Alfonso XIII. Inaresto siya sa nasabi rin na barangay sa compound ng Payong-Payong Sing-A-Long Bar.

Ang suspek na si Dennis Nabalitan (naka-blur ang mukha) na residente ng Purok Maliwanag, Barangay Alfonso XIII sa bayan ng Quezon matapos itong maaaresto sa buy-bust operation ng Quezon MPS, PDEU, at Special Boat Unit ng PNP Maritime Group. | Photo by Quezon MPS

Ayon kay P/Maj. Bronson Caramto, kasama ang mga operatiba ng Palawan Provincial Drug Enforcement (PDEU) ant Special Boat Unit (SBU) ng 2nd Special Operations-Maritime Group ay inaresto nila si Nabalitan dahil nabilhan ito ng tatlong sachet ng pinaghihinalaang shabu dakong 11:20 p.m.

“Bago lang ito sa list, at ayon sa data ng station, street level na pusher ito,” pahayag ni Caramto sa Palawan News noong Sabado (Marso 20).

Aniya pa, nakumpiskahan din nila ito ng isa pang sachet ng hinihinalang shabu, mga pera, at ang marked money na ginamit sa buy-bust. 

Previous articleGov’t vows to protect sovereign rights over West PH Sea
Next articleOccidental Mindoro, pilot area para sa PAFES sa MIMAROPA
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.