Ang suspek (gitna, naka asul) na nahulihan ng hinihinalang sachet ng shabu

Isang 40 taong gulang na lalaki ang naaresto ng mga operatiba ng Narra Municipal Police Station (MPS) sa isang buy-bust operation sa Muslim Road, Barangay Antipuluan, Narra bandang 1:30 ng hapon araw ng Miyerkules, Abril 14.

Kinilala ang suspek na si Morito Peronilla Salmone, Jr., na diumano ay stevedore ng National Food Authority (NFA).

Nakuha sa kanya ang apat na sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 0.2 gramo, cellphone, motorsiklo, at P500 marked money.

Ayon kay P/Maj. Dhenies Acosta, hepe ng Narra MPS, ang suspek ay bago lamang sa kanilang listahan.

“Wala pa siyang criminal record at newly-identified lang siya as street level,” pahayag ni Acosta.

“Ang sabi ng informant namin, nag-approach sa kanya ito at pinapaubos na lang daw ang items niya dahil aalis na rin, kaya agad na trinabaho na namin,” dagdag niya.

About Post Author

Previous articleWESCOM sends naval assets to patrol Julian Felipe
Next articleBeach, farm resorts proposed as isolation, quarantine facilities
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.