- Advertisement by Google -

[Updated] Isang lalaking staff ng isang hotel sa Puerto Princesa ang sinampahan ng reklamo sa barangay matapos mapag-alaman na namboso ito nang naliligong mga guest sa CR ng kanilang kuwarto.

Ayon kay Richard Ligad, hepe ng Puerto Princesa City Anti-Crime Task Force (ACTF), nakatanggap sila nang reklamo tungkol sa insidente at pinuntahan ang nasabing hotel sa Barangay San Pedro upang mag-imbestiga. Nakita umano sa record ng close-circuit television (CCTV) camera ang ginawang pamboboso ng naturang tauhan ng hotel, na kinilalang si Mark Gil Buyon, 29 taong gulang, residente ng Brgy. San Manuel.

Napag-alaman din ng tauhan ng ACTF na ang mga biktima ay mga bisita mula sa mga ahensya ng pamahalaang nasyunal.

“Ating nalaman na ang mga biktima ay bisita natin mula sa [nasyunal na tanggapan,] kaya sinamahan natin sa PNP para magsampa ng complaint,” ayon kay Ligad.

- Advertisement -

Samantala, ayon sa tagapagsalita ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) na si P/Cpt. Joy Iquin, ang suspek ay sinampahan ng reklamo sa San Manuel kung saan ito nakatira.

“Sinampahan ng kaso sa Brgy. San Manuel, kapag barangay case po kasi, kung saan nakatira ang suspect ay doon isasampa ang case. Meron pong endorsement ang WCPD ng PS2 na-receive ng VAWC desk ng San Manuel,” pahayag niya.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleGadgets everyday at SM Appliance
Next articleWorld in major energy crisis: International Energy Agency head