(PN File)

Magsasagawa ng special Elections Registration Board (ERB) hearing ang tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa bayan ng Sofronio Española sa darating na Nobyembre 15, para sa pag-apruba ng mga bagong application sa isinagawang extension ng voter’s registration noong October 11-30.

Ayon kay Maria Lourdes Carolasan, assistant election officer ng COMELEC-Sofronio Española, pagkatapos ay malalaman kung ilan ang magiging kabuuan ng registered voters sa bayan para sa darating na May 2022 national and local elections.

Sa kasalukuyan ay may kabuuang 22,269 ang rehistradong botante sa bayan para matapos ang resulta nang isinagawang ERB hearing noong October 18.

“Madadagdagan pa itong 22,000 after our special ERB hearing sa November 15. Doon natin malalaman kung ilang ang madadagdag na botante ng Española,” pahayag ni Carolasan.

Samantala, inihayag din ni Carolasan na bukas din ang kanilang tanggapan sa mga naghain ng certificate of candidacy na nagnanais mag-apply ng correction of entry para sa opisyal na balota na ilalabas ng COMELC, hanggang sa November 8.

Sa certified list of candidates na inilabas ng COMELEC-Española, mayroong limang naghain ng kandidatura para sa mayor, tatlo para sa vice mayor at 27 para sa pagiging konsehal.

About Post Author

Previous articleCayetano: Focus on preventing vote buying, making candidates accountable
Next articleSITEL® Palawan joins LGU for El Nido coastal clean-up
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.