Larawan mula sa MSWDO Rizal.

Lumahok ang mga solo parent sa bayan ng Rizal sa tatlong araw na dressmaking training na pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) noong Mayo 17-19.

Ang pagsasanay ay upang mabigyan ng iba’t ibang kaalaman ang mga solo parent sa paggawa ng iba’t ibang kaalaman sa tailoring o pagtatahi ng mga damit at paggawa ng mga doormats, pot holders mat, at marami pang iba, bilang alternatibong pagkakakitaan.

Layon ng tanggapan na maibahagi ito sa kanila dahil malaki rin ang maitutulong nito upang magamit din sa kanilang mga pang araw-araw na pangangailangan.

Nasa 15 na solo parents ang lumahok sa pagsasanay mula sa Punta Baja, Campong Ulay, Ransang, Candawaga, at Taburi na siya namang isinagawa sa Women’s Center sa Barangay Punta Baja.

- Advertisement -

Pasasalamat sa LGU at MSWDO ang siyang naging mensahe ni Rizal Women’s Federation President Nancy Sususco sa mga solo parent na lumahok habang iginagawad sa mga ito ang kanilang certificates of training (COT).

Pinuri naman ito ni Rizal mayor Otol Odi na ayon sa kanya ay malaking tulong at ambag sa mga solo parent sa kaniyang bayan.

Previous article11 mangingisda arestado sa Aborlan dahil sa pangingisda ng walang permiso
Next articleP100k cash prize awaits Mutya ng Palawan 2022 winner
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.