SOFRONIO ESPAÑOLA, Palawan — Tiniyak ng pamahalaang bayan dito na may sapat na pera mula sa calamity fund hanggang sa pagtatapos ng umiiral ng enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon sa pinuno ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) na si Ernesto Nagato, nagamit na ang P2 milyon mula sa mahigit P3 milyon na Quick Response Fund para sa pagbili ng sako ng bigas na umabot sa 500.

Naibigay na sa mga barangay ang mga ito maliban pa sa nabili na din na mga canned goods tulad ng sardinas at corned beef, at mga noodles.

“We already utilized our P2 million na QRF at kasalukuyan mayroon pa tayong nasa sobra P1 million na tiyak nating aabutin pa ito sa pagtatapos ng community quarantine. Pero kung kukulangin man mayroon pa naman tayong trust fund na puwedeng mapagkuhanan kung kailangan. Na-arrange naman ‘yan ng ating accountant,” sabi ni Nagato.

Aniya, gagamitin ito para suportahan ang pangangailangan pa ng mga mamamayan.

Sabi ni Nagato, ngayon ay nasa pangalawang serye na sila ng pagbibigay tulong sa mga mamamayan ng Sofronio Española.

Previous articleCrash Landing in Quarantine
Next articlePNP links up with DSWD to secure cash aid distribution
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.