Photo courtesy of Española PNP

Tiniyak ng pamunuan ng Sofronio Española Municipal Police Station (MPS) na magiging mapayapa at tahimik ang campaign period sa kanilang munisipyo hanggang dumating ang halalan sa Mayo 9.

Ayon kay P/Lt Nollie Vergara, hepe ng Sofronio Española MPS, katulad ng Commission on Elections (COMELEC), sila ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga partido, at mga kandidato para sa iba’t-ibang posisyon sa bayan upang maging maayos ang pangangampanya at iwasan ang paggawa ng mga hindi tamang gawain sa kampanya na maaring magdudulot ng initan sa pagitan ng mga kandidato at maging sa mga taga suporta ng bawat isa.

“Ito ang panawagan natin sa kanila , iwasan ang paggawa ng hindi makataong gawain kontra sa mga kaparehong tumatakbo,” pahayag ni Vergara.

- Advertisement -
Photo courtesy of Española PNP

Dagdag niya, nakahanda silang tumugon sa mga report ng mga kandidato sakaling may maganap na kaguluhan habang ang mga ito ay nagsasagawa ng kampanya sa mga barangay.

Ayon pa kay Vergara, regular din ang kanilang paglalagay ng checkpoint katuwang ang COMELEC kaugnay sa pagpapatupad ng gunban, at pagroronda upang tiyaking mapayapa ang bayan.

Aniya, hindi naman maituturing na area of concern ang bayan ng Sofronio Española dahil naging mapayapa ang ang mga nagdaang halalan dito.

Previous articleConcerned citizens turn over wild animals to PCSDS, including king cobra
Next articleFilipino products capture international tastemakers’ attention in Parisian fair
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.