Ang blood letting activity na isinagawa sa Pulot Center, munisipyo ng Española, September 22.

May kabuuang 74 blood units ang nakolekta ng Municipal Health Office (MHO) ng bayan ng Sofronio Española sa isinagawa nitong blood letting activity nitong araw ng Miyerkules, September 22.

Ito ay bilang bahagi ng pakikiisa ng pamahalaang lokal sa ika-121 Civil Service Celebration sa buong bansa.

Ayon kay municipal health officer Dr. Rhodora Tingson, ang mga nakolektang blood unit ay ipapadala nila sa Philippine Red Cross (PRC)-Palawan upang maging karagdagang suplay ng dugo ng nasabing ahensya.

“Nagpapasalamat tayo sa lahat ng nag-donate ng dugo sa ating blood letting activity. Malaking tulong ito sa mga kababayan nating nangangailangan ng dugo at upang makadugtong tayo ng buhay,” pahayag ni Tingson.

- Advertisement -

Kabilang sa mga nag-donate ng dugo ang mga tauhan ng Marine Battalion Landing Team-4 (MBLT-4), mga empleyado ng iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan ng Sofronio Española, mga guro, Barangay Health Workers (BHW) at mga opisyal ng mga barangay.

Dagdag pa Tingson, mahigpit namang ipinatupad ng Municipal Inter-Agency Task Force on Covid-19 (MIATF) ang mga health and safety protocols sa nasabing aktibidad.

Previous articleCity planners seek implementation of house numbering scheme in Puerto Princesa
Next articleScattered rains still expected over Palawan, Western Visayas due to ITZC
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.