PN File

SOFRONIO ESPAÑOLA, Palawan — Isang RT-PCR confirmed COVID-19 case na lamang ang natitira sa talaan ng Municipal Inter-Agency Task Force on COVID-19 (MIATF) sa bayan na ito matapos na sunod-sunod na gumaling ang ibang local cases ngayong ikatlong linggo ng Hunyo.

Ayon kay Municipal Health Officer Dr. Rhodora Tingson, ang natitirang kaso na kanilang binabantayan sa isolation facility ay isang 63 taong gulang na lalaki mula sa Barangay Pulot Center.

Samantala, sa kabila ng pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bayan ay nakapagtala naman ng apat na positibo sa antigen test ngayong linggo kung saan mayroong kabuuang bilang na 27 reactive.

“Only one remaining cases na lang tayo as of June 18. Nakakapagtala pa rin tayo ng mga reactive sa antigen test, pero umaasa tayo na magiging zero COVID case na tayo soon,” pahayag ni Tingson, araw ng Martes, Hunyo 22.

Ani Tingson, ang 12 reactive sa antigen ay kasalukuyang nasa quarantine facility, ang tatlo ay naka admit sa isang government hospital habang ang 12 ay naka home quarantine.

Sa kabuuan ay may 70 RT-PCR confirmed cases at 50 antigen reactive cases ang naitala sa bayan simula noong Marso 2020.

Umaasa naman si Tingson na sa pagpasok ng buwan ng Hulyo ay magiging COVID-19 free na ang bayan ng Sofronio Española.

“Patuloy na paalala pa rin natin sa mamamayan na palagiang sundin ang ating mga regulasyon sa kalusugan natin, follow health and safety protocols,” aniya.

Previous articleVP Leni, Mayor Isko’s offices join forces for vaccination drive
Next articleSan Vicente mayroong ‘temporary market rental holiday’ para sa nagtitinda sa palengke
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.