SOFRONIO ESPAÑOLA, Palawan — Mahigpit na ipapa-monitor ng municipal inter-agency task force (MIATF) sa bayan na ito sa lahat ng barangay peace officers ang kani-kanilang mga pampublikong sementeryo sa buong siyam na barangay simula sa ika-bente nwebe ng Oktubre hanggang ika-apat ng Nobyembre.

Sa panayam ng Palawan News kay Mayor Marsito Acoy, Martes, sinabi nito na ang monitoring ay kaalinsabay nang pag-adopt ng MIATF sa order ng Malacañang na ipasara ang mga pampubliko at pribadong sementeryo sa mga nasabing petsa dahil pa rin sa pagiwas sa COVID-19.

Sa October 29, ayon kay Acoy, ay magroronda ang lahat ng mga barangay tanod sa mga sementeryo hanggang November 4 upang matiyak na walang pupunta o papasok dito.

“Puwede silang pumunta November 5 na o sa mga susunod na araw o bago ang 29, wala tayong magagawa adopted natin ito,” ani Acoy.

“Isa sa malaking sementeryo natin ay Pulot Public Cemetery, magroronda din ang barangay natin diyan at IATF para matiyak na walang papasok,” dagdag nito.

Magugunitang inilabas ang order ng Malacañang noong ikalawang linggo ng Oktobre at matapos maipadala ito sa mga local government unit (LGU) agad naman itong sinang ayunan ni Acoy na i-adopt ang order matapos ang pagpayag din ng MIATF.

“Aasahan natin na talagang imomonitor ito ng mga kapitan natin sa buong siyam na barangay, hangga’t maaari close monitoring ang gagawin,” ayon kay Acoy.

 

Previous articleHotels in GCQ, MGCQ areas may soon open at full capacity: DOT
Next articleEl Nido’s famous beach discolored by sewage discharge
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.