Nasamsam ng mga tauhan ng 2nd Special Operations Unit-Maritime Group ang anim na kahon ng smuggled na sigarilyo sa pangangalaga ng dalawang lalaki sa Sitio Dudungwan, Brgy. Buliluyan sa bayan ng Bataraza noong Huwebes, August 4.

Ayon sa tagapagsalita ng 2nd SOU-MG na si P/Lt. Anna Abenojar, ang mga smuggled na sigarilayong Astro, Fort, at Tex ay ilegal na ipinapasok sa Buliluyan Port mula sa Malaysia at ibinebenta sa mga tindahan sa bayan ng Bataraza at iba pang panig ng lalawigan.

Agad namang dinala sa Maritime Headquarters sa lungsod ng Puerto Princesa ang mga kumpiskadong sigarilyo na may tinatayang market value na aabot sa P70,000.

Sinampahan naman ng kasong paglabag sa Section 1401 of RA 10863 o Custom and Tariff Administration Act ang mga suspek na sina alyas Hamid, 66 taong gulang at 27 taong gulang na si alyas Hajer.

Previous articleInternational film ‘1521: The Battle of Mactan’ adds to the cast actress Bea Alonzo
Next articleVeteran television and film actress Cherie Gil passes away at 59
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.