Ang isa sa mga kalye sa poblacion ng Rizal, Palawan na pinasemento at pinasinayaan (Larawan mula sa Office of the Mayor, Rizal Palawan)

Iba’t ibang infrastructure projects na itinayo ng pamahalaang lokal ng bayan ng Rizal ang pinasinayaan sa Barangay Punta Baja noong araw ng Miyerkules, September 8.

Kabilang sa mga proyekto ang isang bagong slaughterhouse na may pasilidad na maaaring pag-imbakan ng mga karne na ibebenta sa pamilihang bayan. Ang slaughterhouse ay nagkakahalaga ng mahigit P3.4 million.

Binuksan din sa publiko ang mga bagong kalsada sa Purok Balete na nagkakahalaga ng P1.25 milyon; Purok Pakpak Lawin na nagkakahalaga ng mahigit P2 milyon; at sa public market na pinondohan din ng P2 milyon.

Kabilang sa mga dumalo sa pagpapasinaya sina Mayor Otol Odi, Vice Mayor Norman Ong, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, at kawani ng Municipal Engineering Office (MEO).

- Advertisement -

Ang slaughter house na pinasinayaan sa bayan ng Rizal

Ayon kay Ong, ang mga proyektong nabanggit ay naisakatuparan sa pagtutulungan ng lahat ng opisyales ng bayan para sa mga mamamayan ng Punta Baja.

Nais din umano niyang masemento ang lahat ng kalsada sa poblacion na siyang sentro ng kalakalan at komersyo sa bayan.

“Siyempre, sentro ito ng Rizal kaya kailangan sementado. Dito ang babaan ng tao, dapat maging maganda ang daan natin sa buong poblacion,” pahayag niya.

Dagdag ni Ong, sa taong 2022 ay may iba pang kalsada na bubuksan sa iba pang mga barangay na makakatulong sa mga mamamayan ng Rizal.

Previous articleIndigent senior citizens at PWDs ng Sofronio Española nakatanggap na ng pension at allowance
Next articleBabaeng lider ng NPA sa Palawan, arestado sa manhunt operation sa Coron
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.