Mag-uumpisa na ang pagbibigay ng iba’t-ibang uri ng skills training sa Culion para sa 1,500 na residente na nawalan ng trabaho o yong tinatawag na “displaced workers” dahil sa COVID-19.

Ang pamahalaang bayan ng Culion ay makakatuwang ang Department of Trade and Industry (DTI) para sa pagsasanay na gagawin, ayon kay municipal administrator Max Raymundo.

Aniya noong Martes sa Palawan News, ito ay bahagi ng COVID-19 Recovery Program ng Culion para sa mga naapektuhan at nawalan ng kanilang mga hanap-buhay simula noong Marso.

Magkakaroon ng 10 days na training sa beauty care at bread and pastry, tatlong araw na pagsasanay sa meat and fish processing at iba pa hanggang sa makumpleto ang pagsasanay ng 1,500.

“Sa July 25 ay magsisimula na itong ibat-ibang training katuwang natin dito ang DTI, popondohan ito ng local government sa panguguna ni Mayor Virginia de Vera. Ang aim ay upang matulungan sila at magkaroon sila ng kaalaman,” sabi ni Raymundo.

“DTI na ang sasagot sa mga materials na gagamitin nila — ng mga trainees natin sa iba’t-ibang training na yan at after training bibigyan na sila ng certificate,” dagdag niya.

Paliwanag ni Raymundo, pagkatapos ng skills training, livelihood agad ang ibibigay sa mga trained and completed na sa pagsasanay para makapagsimula na sila ng kanilang maliit na pagkakitaan.

“Halimbawa graduate na siya sa meat processing, ibig sabihin puwede siyang mag-benta ng karne o magluto ng karne o ulam. Bibigyan na siya agad ng livelihood bibigyan na agad siya ng karne ng local government unit at makapagsisimula na siya ng kanyang maliit na negosyo. Walang bayad ang produkto na ibibigay ng LGU,” sabi pa ni Raymundo.

 

About Post Author

Previous articlePuerto Princesa favors ‘modular approach’ in learning under new normal
Next articleCuyo town records 4 new COVID-19 active cases
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.