Ilang mga kabataang lumahok sa tree planting sa bayan ng Narra | Photo courtesy of Japhet Jedd Junia

Mahigit 200 seedlings ng agoho ang itinanim ng Sangguniang Kabataan (SK) katuwang ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Narra sa isinagawang tree planting activity sa Upper Lapu-lapu Road at sa demo farm ng ng Barangay Poblacion nitong araw ng Linggo, Pebrero 21.

Lumahok sa aktibidad ang iba pang kabataang barangay, mga empleyado nito kabilang ang mga BPSO, Barangay Health Workers, Barangay Disaster and Risk Reduction Management Office, at ang mga residente.

Ayon kay SK chairperson Japhet Jedd Junia, bagama’t nasa gitna ng krisis at pandemya dulot ng COVID-19 ang buong bansa ngayon, mainam umanong magkaroon pa rin ng mga ganitong aktibidad na nagsusulong sa pangangalaga sa kalikasan sa kaniyang bayan.

Hinimok din ni Junia ang mga kabataan na kagaya niyang lider kabataan na magkaroon ng magandang prinsipyo at vision na may kaugnayan sa nature and forest conservation.

“Ang hangad ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Poblacion ay mapanatili ang yaman ng ating lugar at maging kapakipakinabang ang mga aktibidad kaugnay sa kalikasan at mapanatili ang kaligtasan sa mga sakuna sa aming bayan,” pahayag ni Junia.

“Kahit na nasa gitna tayo ng pandemya sana ay may malasakit pa rin tayo sa pagtatanim ng Punong kahoy. Maraming salamat sa aming barangay at sa LGU para sa suporta na ito, at salamat din sa Citi Nickel Mines dito na nagbigay ng seedlings sa amin,” dagdag niya.

Samantala,Ā ayon pa kay Junia,Ā sa mga susunod na buwan ay plano pa rin nilang magsagawa ng tree planting activity kung saan makikipag-ugnayan sila sa mga enviromental agency para sa kanilang seedlings na itatanim.

Previous articleSan Jose market vendors ordered to halt construction of stalls in Sampaloc Road
Next articleBahay ng guro sa Brooke’s Point nilooban
is the news correspondent for Sofronio EspaƱola and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.