Mga estudyante at Out of School Youth (OSY) na lumahok sa Free Driving Course sa barangay Calasaguen sa Brooke's Point. (Larawan mula kay Mon Kler Mejollo)

Humigit kumulang 30 na college students mula sa Barangay Calasaguen sa bayan ng Brooke’s Point ang pinagkalooban ng tig-iisang flash drives mula sa Sangguniang Kabataan (SK) nitong August 19.

Ito ay bahagi ng Flash Drive on the Goal Program ng SK sa pagbabalik ng klase ng mga estudyante sa gitna ng pandemya dulot ng COVID-19 at sa selebrasyon ng “Linggo ng Kabataan” ngayong buwan ng Agosto sa kanilang barangay.

“Ang ating Flash Drive on the Goal ay bilang pagtugon at pag-alalay sa pangangailangan ng kabataan sa larangan ng edukasyon,” sabi ni Brgy. Calasaguen SK Chairman Mon Kler Mejollo.

Ayon pa kay Mejollo, bahagi ito ng pondo ng SK para sa kanilang educational assistance na nagkakahalagang P45,000.

Dagdag pa nito, nakabili rin sila ng mga bond paper at mga hygiene kits, katulad ng mga face mask at mga alcohol na ipinagkaloob ng SK sa mga eskwelahan sa kanilang barangay, kabilang na ang Calasaguen Elementary School (CES) at Calasaguen National High School (CNHS)

Maliban dito, nagkaloob din sila ng free driving course para sa mga estudyante at out-of-school-youth (OSY) na siyang pangunahing requirement para sa aplikasyon ng students permit.

“RVL driving school ang nangasiwa [nito] para yon sa mga kukuha ng student permit, kasama na po medical, LTO registration at sasakyan nila pag punta ng LTO sagot po ng SK lahat ng bayarin ng 30 beneficiaries,” sabi ni Mejollo.


ADVERTISEMENT


Maging updated sa mga pabatid, anunsiyo at mga paalala mula sa PALECO!

Direkta ninyong matatanggap sa pamamagitan ng text message ang mga mensaheng nais ipaabot ng kooperatiba.

KAYA INAANYAYAHAN ANG LAHAT NG MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO) NG PALECO NA MAG-ENROL NA SA TEXT BLAST

Pindutin lamang ang link na nasa ibaba (Text Blast Enrolment) at sagutan ang ilang detalye na hinihingi.

https://forms.gle/MuB5HMgikQrmL9DZ8

About Post Author

Previous articleBTS’ J-Hope donates 100 million Korean won to flood victims
Next articlePCSD urges towns to plant more trees to save Palawan forests
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.