Si SK Jay Zapanta ng Barangay tres, Roxas Palawan habang iniaabot ang load card sa isang college student sa kanilang barangay.

May kabuuang 150 mag-aaral ng kolehiyo mula sa Barangay 3 sa munisipyo ng Roxas ang nakatanggap ng ayudang P100 load card mula sa Sangguniang Kabataan (SK), araw ng Martes, Nobyembre 23.

Ang nasabing ayuda ay bilang suporta ng SK sa mga mag-aaral sa gitna ng kinakaharap na pandemya na dulot ng COVID-19.

Ayon kay SK chairman Jay Zapanta, napagkasunduan nilang maglaan ng halagang P15,000 upang ibili ng load card at ipamahagi sa kapwa kabataan na nag-aaral.

Dagdag niya, nais nilang kahit sa maliit na halaga ay makatulong sila sa mga mag-aaral na sumasailalim sa online classes.

- Advertisement -

“Nais nating ipadama sa kanila na sa gitna ng kinakaharap nating pandemya ay naka-alalay at nandiyan ang suporta ng mga kabataang iniluklok nila upang bigyan sila ng serbisyong pang-edukasyon, at hindi lang sa sports,” pahayag ni Zapanta.

Ayon pa kay Zapanta, maliban sa load card ay may iba pa silang nakalinyang programa bilang suporta sa mga mag-aaral sa kanilang barangay.

Previous articlePhilippine supply boats reach Ayungin Shoal, Lorenzana decries continued Chinese harassment
Next articleSangguniang Panlalawigan OKs P4.7 billion budget
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.