Inilahad ni El Nido Sangguniang Kabataan Federation President Jestoni M. Enor sa Network Briefing Program kaninang umaga ang kanyang mga aktibidad bilang SK Chairman tulad ng pagpapatupad ng programang Kabataan Kontra Droga at Terorismo katuwang ang Philippine National Police (PNP). (Screenshot mula sa Network Briefing Program.)

Nanawagan si Sangguniang Kabataan Federation President Jestoni M. Enor ng El Nido noong Abril 13 sa kapwa nito kabataan sa kanilang bayan na magpabakuna kontra COVID-19.

Sa Laging Handa: Network Briefing Program noong Martes ng umaga, nakapanayam ni Presidential Communications Operations Office Assistant Secretary JV Arcena si SK Enor kung saan sinabi nito na mahalaga na magpabakuna ang mga kabataan, dahil para din ito sa kanilang kalusugan at sa pamamagitan ito ay mapapangalagaan din nila ang kanilang mga mahal sa buhay.

“Hinihikayat ko po ang ating mga kabataan dito sa El Nido na kapag available na po ang bakuna kontra COVID ay magpabakuna po sila. Ito po ay para rin sa kanilang kaslusugan at sa pamamagitan din nito ay mapangalagaan din nila ang kalusugan ng kanilang mga mahal sa buhay,” pahayag ni SK Enor sa Network Briefing.

Inihayag din ni Enor ang kanyang mga aktibad bilang SK Chairman ng El Nido tulad ng pagbibigay ng sports equipment at pagsasagawa ng mga sports activity sa mga barangay.

Ani Enor, nakikipag-ugnayan din siya sa Philippine National Police (PNP) upang magkatuwang silang ipatupad ang programan Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDT) kung saan ay may nakatakda sana silang aktibidad sa Abril 16-18 ngunit naipagpaliban ito dahil sa pagkakaroon ng kaso ng COVID-19 sa kanilang bayan.

- Advertisement -

Layon ng programang ito na maging abala ang mga kabataan sa mga produktibong gawain at maiwas sa iligal na droga at pagsapi sa makakaliwang grupo. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

Previous articleSan Vicente MIATF, muling naghigpit sa pagpapatupad ng health protocols
Next articlePH to get first 194K doses of Moderna vaccine in May