Si Jayson Sayang, and Sangguniang Kabataan chairman ng Barangay Santa Monica, Puerto Princesa City, habang kinakapanayam sa Network News Briefing noong Pebrero 28, 2022. (Screenshot mula sa Network Briefing News)

Pinaalalahanan ni Sangguniang Kabataan (SK) chairman Jayson Sayang ng Barangay Santa Monica sa Puerto Princesa City ang mga kabataan sa kanilang lugar na ingatan ang kanilang mga sarili laban sa ilegal na droga, pre-marital sex, at iba pang bisyo na maaaring magdulot ng problema sa kanila.

Sa Network Briefing News noong Pebrero 28, sinabi niya na dapat mag-ingat ang mga kabataan dahil patindi na ng patindi ang mga problema na may kinalaman sa kanila, at puwedeng maging sagabal sa pagkakaroon ng maayos na pamumuhay.

Ayon sa kaniya, marami na ang mga kabataang nahuhuli dahil sa ilegal na droga, nabubuntis ng wala sa tamang edad, at sa ilang gawain at bisyo na ikinikapahamak nila.

“Ito lang po ang maiiwan ko na sana mga kabataan mag-ingat po tayo, so kumbaga, tulungan natin yung sarili natin, sa pagpapamilya huwag tayong magmadali. Sa murang edad natin huwag muna tayong magpamilya, napakahirap na talaga ng buhay ngayon, kaya’t mag-aral muna tayo,” pahayag niya.

Dagdag pa niya, dapat ingatan ng mga kabataan ang bawat sarili para hindi magsisi sa bandang huli.

Hindi pa rin aniya siya nawawalan ng pag-asa na ang kabataan pa rin ang pag-asa ng bayan, at sa kabataan pa rin magmumula ang mga susunod na mga lider ng bansa. (MCE/PIA-MIMAROPA, PALAWAN)

About Post Author

Previous articleSerbisyo patuloy na ipinagkakaloob ng MTF ELCAC sa 14 na barangay sa bayan ng Quezon
Next articleBahay nasunog sa Brgy. Maunlad